Tadhana: Tsismosang kapitbahay, natikman ang galit ng palabang misis ng OFW / Video Scandal: Part 2/2 Dec 7, 2019

www.imdb.com/title/tt11402986

AIRED: Dec 7, 2019

Stars : Rochelle Pangilinan, Biboy Ramirez, Paolo Paraiso

Plot : Walang kamalay-malay si Evelyn (Rochelle Pangilinan) na malalagay ulit siya sa isang patibong nang i-blackmail siya ni Rodney (Paolo Paraiso) na ipagkakalat nito ang kanilang video scandal kung hindi papayag ang una sa mga nais ng huli. Sa kabila nito, ang tsismosang kapitbahay ni Evelyn na si Teresa (Mystica), ipinagkakalat sa mga tao na mayroon pa rin itong relasyon kay Rodney! Matuklasan kaya ni Ben (Biboy Ramirez) ang pinaggagawa ng kanyang asawa sa Pilipinas habang naghihikahos sa ibang bansa?

Tadhana: Pinay, sinugod ang kabit ng asawa niyang Koreano / Saranghae Jul 14, 2018

www.imdb.com/title/tt8701310

AIRED: Jul 14, 2018

Stars : Sheryl Cruz, Shyr Valdez, Aira Bermudez

Plot : Ang inaakalang magandang buhay sa South Korea ni Genie (Sheryl Cruz) ay nauwi sa isang masalimuot na pagkabigo nang malaman niyang nambababae pala ang Koreano niyang kinakasama. Habang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, paano kaya niya malalampasan ang mga pagsubok nang mag-isa at patuloy na lumalaban para sa kanyang pamilyang nawalay sa kanya?

Tadhana: Masipag na OFW sa Bahamas, pinamanahan ng yaman ng kanyang amo / Pamana Dec 9, 2017

www.imdb.com/title/tt7726444

AIRED: Dec 9, 2017

Stars : Gardo Versoza, Maria Isabel Lopez, Jak Roberto

Plot : Matapos mabiyudo sa kanyang namayapang asawa, napilitan si Miong (Gardo Versoza) na mangibang-bansa para maitaguyod ang kanyang pamilya. Habang nakikipagsapalaran sa Bahamas bilang isang all-around helper, nagsikap siya sa pagtatrabaho para makapagpadala ng pera sa naghihirap niyang pamilya sa Pilipias. Sinakripisyo man niya ang pagiging ama, maganda naman ang naging bunga nito dahil hindi niya lubos akalain na pamamanahan siya ng kanyang amo roon.

Tadhana: Amang OFW na kauuwi lang sa Pilipinas, tila itinakwil ng sariling mga anak / Sa Mga Mata Ni Itay Jun 16, 2018

www.imdb.com/title/tt8571742

AIRED: Jun 16, 2018

Stars : Bembol Roco, Mikoy Morales, Klea Pineda

Plot : Matapos ang ilang dekadang pagtatrabaho sa Netherlands bilang isang driver, napilitang umuwi ng Pilipinas si Jun (Bembol Roco) nang dahil sa kanyang kondisyon. Sa kanyang pag-uwi, hindi niya lubos akalain na tuluyan nang lumayo ang loob sa kanya ng mga anak niyang sina Joel (Mikoy Morales) at Jessa (Klea Pineda), na tila napariwara ang buhay mula nang lumisan siya. Maayos niya pa kaya ang pakikisama niya rito? Mabuo pa kaya ang kanilang pamilya?

Tadhana: Trans woman na OFW, nilabanan ang diskriminasyon habang nasa ibang bansa / Babae Ako Nov 24, 2018

www.imdb.com/title/tt9329088

AIRED: Nov 24, 2018

Stars : Mikoy Morales, Fabio Ide, Arianne Bautista

Plot : Upang matulungan ang kanyang pamilya, nangibang-bansa ang breadwinner na si Regine (Mikoy Morales) at naghanap ng kabi-kabilang trabaho para makapag-ipon ng perang ipadadala sa Pilipinas. Hindi man madali para sa kanya na harapin ang mga hamon at diskriminasyon sa ibang bansa bilang isang transgender woman, pinatunayan niya na hindi hadlang ang kasarian para magampanan ang kanyang trabaho roon. Paano kung kapwa Pinoy pa ang kumakalaban sa kanya?

Tadhana: Pinay DH sa Egypt, pinagsamantalahan ng nobyo ng kanyang amo / Linlang Jul 7, 2018

www.imdb.com/title/tt8671082

AIRED: Jul 7, 2018

Stars : Diana Zubiri, Francine Prieto, Angeli Bayani

Plot : Tanging hiling lamang ng OFW na si Leslie (Diana Zubiri) ang makapagtrabaho nang marangal bilang domestic helper sa Egypt. Ngunit pagdating niya roon, tila pinagpasa-pasahan siya ng mga banyaga bago kupkupin ng kanyang amo na si Neith (Francine Prieto). Lingid sa kanyang kaalaman, mayroon pala itong problema sa pag-iisip at nagawa pa siyang pagsamantalahan ng nobyo nitong si Rameses (Paolo Paraiso)! Makaligtas pa kaya si Leslie bago pa mahuli ang lahat?

Tadhana: Mag-asawa, iligal na nagtatrabaho at TNT sa South Korea / Biyahero Jun 17, 2017

www.imdb.com/title/tt7029262

AIRED: Jun 17, 2017

Stars : Yasmien Kurdi, Biboy Ramirez, Glenda Garcia

Plot : Dahil halos isang kahig at isang tuka na ang kanilang pamilya sa Pilipinas, napilitang mangibang-bansa at mag-TNT sa South Korea ang mag-asawang sina Liza (Yasmien Kurdi) at Nelson (Biboy Ramirez). Kahit pa mahirap ang kanilang buhay roon dahil travel visa lamang ang dala nila, handa silang isugal ang lahat alang-alang sa kapakanan ng nag-iisa nilang anak.

Tadhana: Pinay nurse, inuwi sa Pilipinas ang inampong batang refugee mula Syria / Ang Batang Refugee Jul 29, 2017

www.imdb.com/title/tt7196300

AIRED: Jul 29, 2017

Stars : Diana Zubiri, Leandro Baldemor, RJ Agustin, Dexter Doria

Plot : Kahit na dalawang buwan pa lamang siyang kasal sa kanyang asawa, nakipagsapalaran na sa ibang bansa si Nette (Diana Zubiri) para maglingkod bilang isang nurse sa Syria. Sa kabila ng gulong hinaharap ng bansa kung saan siya nagtatrabaho, hindi niya sukat akalain na makukupkop niya ang isang batang refugee roon na napamahal na rin sa kanya. Paano kaya niya ito ipaliliwanag sa kanyang mister na hindi niya nakausap ng halos limang taon?

Tadhana: Probinsyana, niloko at ibinugaw ng illegal recruiter sa mga Hapon / Yaya CEO: Part 1/2 Sep 21, 2019

www.imdb.com/title/tt10997436

AIRED: Sep 21, 2019

Stars : Lovi Poe, Irma Adlawan, Lito Pimentel

Plot : Matapos silang palayasin sa kanilang tinitirhang bahay sa Bohol, wala nang iba pang paraang naiisip si Myrna (Lovi Poe) kundi sumama sa recruiter na si Pilar (Sue Prado) sa pag-asang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap. Pagdating niya ng Maynila, dito niya nalaman na pagbibigay-aliw pala sa mga kliyenteng Hapon ang magiging trabaho niya! Kayanin kaya itong sikmurain ni Myrna para kumita?

Tadhana: Pinay DH sa Hong Kong noon, milyonarya na ngayon / Yaya CEO: Part 2/2 Sep 28, 2019

www.imdb.com/title/tt11030852

AIRED: Sep 28, 2019

Stars : Lovi Poe, Irma Adlawan, Lito Pimentel

Plot : Matapos maloko ng illegal recruiter, napilitang bumalik sa Bohol si Myrna (Lovi Poe) kasama ang kanyang asawa na si Lando (Jess Mendoza). Ngunit nang maranasan niya muli ang kahirapan, ipinagpatuloy na niya ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa para maging domestic helper sa Hong Kong. Hindi man madali sa umpisa, tiniis ito ni Myrna at ipinaglaban ang karapatan ng mga kapwa niya OFW bago umuwi sa Pilipinas at naging isang ganap na negosyante.