Wish Ko Lang: NANAY, PINASLANG AT INIHAIN NG SARILING MGA ANAK February 13, 2021

AIRED: February 13, 2021

Plot : Kahit na puro perwisyo lang ang ginagawa ng magkapatid na sina James at Jumed, pinagpapasensyahan pa rin sila ng kanilang ina na si Elisa. Hanggang sa isang araw ay umanib sila sa isang kulto na nagpabago ng kanilang mga ugali. Hindi niya akalain na ang pagbabagong ito ang mag-uudyok sa kanila na gumawa ng malagim na krimen!

Wish Ko Lang: PULIS, ISINAKRIPISYO ANG BUHAY PARA SA BAYAN May 14 2021

AIRED: May 14 2021

Plot : Kahit magkaiba ang tinatahak ng buhay nina Rachel (Kris Bernal) at John Lloyd (Alden Richards), iisa naman ang itinitibok ng kanilang puso. Maipaglaban kaya nila ito hanggang sa huli kung si John Lloyd, na isa palang pulis na kabilang sa Special Action Force, ay malagay sa panganib ang buhay nang sumabak ito sa isang engkuwentro sa Mamasapano?

Wish Ko Lang: BABAE, NAKARANAS NG DISKRIMINASYON MULA SA LALAKING MAHAL DAW SIYA May 14 2021

AIRED: May 14 2021

Plot : Buong akala ni Alona (Kris Bernal) ay may maganda nang intensyon sa kanya ang lalaking nakilala niya. Pero lingid sa kanyang kaalaman, ito pala ang nagdala sa kanya sa kahihiyan dahil nakaranas siya ng diskriminasyon mula rito sa kanyang pagkakuba! Sa kabila nito, makahanap pa kaya si Alona ng lalaking magmamahal sa kanya nang tunay?

Wish Ko Lang: IGINAPOS AT IKINULONG: LALAKING NAWALA SA KATINUAN, SINANIBAN Jun 12, 2021

AIRED: Jun 12, 2021

Plot : Simpleng lagnat, nauwi sa sakit sa isipan? Mula nang magkaroon ng mataas na lagnat si Joseph (Ruru Madrid), hindi lubos akalain ng kanyang magulang na maaapektuhan din ang kanyang pag-iisip. Ang dating nagsasalita lamang nang mag-isa, ngayon, nagiging mapanakit na. Totoo kaya ang tsismis sa kanilang lugar na sinaniban umano siya ng masamang elemento?