Wish Ko Lang: Lalaking nalulong sa masamang bisyo, hinabol ng itak ang sariling ama

Plot : Hirap man sa buhay ang mag-asawang Fely (Luz Fernandez) at Sito (Lou Veloso), hindi naman sila nagkulang sa paggabay at pagpapalaki sa kanilang mga anak. Ngunit ang isa nilang anak na si Ferdinand (Marco Gumabao), napariwara at minsan nang nakulong dahil sa droga. Sa paglaya nito, tuluyan na kaya itong magtino at iwasan na ang masamang bisyo?

Wish Ko Lang: PAMILYANG NANALO NG LOTTO JACKPOT PRIZE, NAKARANAS NG SUNOD-SUNOD NA KAMALASAN October 24, 2020

AIRED: October 24, 2020

Plot : Pilit na sinisikap ni Nora na tulungan ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbebenta ng lomi ngunit tila hindi sila nilulubayan ng kamalasan! Hanggang sa isang araw, may napaginipan siyang mga numero na agad naman niyang tinaya sa lotto. Isa ba itong pahiwatig na siya ang mananalo sa lotto? Paano kung ang inakala niyang suwerte ay maging mitsa ng sunod-sunod na kamalasan?

Wish Ko Lang: MISIS, TINANGGALAN NG KALIGAYAHAN ANG KANYANG MISTER November 7, 2020

AIRED: November 7, 2020

Plot : Sobrang saya ni Rowena noon nang ikinasal siya kay Edward dahil buong akala niya ay tapat ito sa kanya at handa nitong tanggapin ang kanyang anak. Hanggang sa dumating ang araw na isa-isa na pa lang tinutuhog ng kanyang mister ang kanyang mga kumare na dumalo mismo sa kanilang kasal. Saan kaya hahantong ang pagtataksil na ito?

Wish Ko Lang: Babae, naging karibal ang ina sa pag-ibig

Plot : Mula nang pumanaw ang ama ni Ren (Katrina Halili), ang kanyang ina na ang mag-isang nagpalaki sa kanya. Silang dalawa man ang magkasama, nakararanas pa rin si Ren ng pagmamalupit at pananakit mula sa kanyang ina. Hindi lang dito natatapos ang lahat, dahil nang minsang umibig si Ren, naging karibal pa niya ito! Maayos pa kaya ang pagsasama ng mag-ina?

Wish Ko Lang: Lalaking bulag, na-in love sa babaeng may cancer

Plot : Teenager pa lamang si Niño (David Licauco) nang mawalan siya ng paningin, na sanhi ng pagkakaroon niya ng glaucoma—isang uri ng sakit sa mata. Sa kabila ng kanyang pagkabulag, hindi ito naging hadlang upang mahanap niya ang babaeng magmamahal sa kanya—si Lorlie (Shaira Diaz). Paano kaya hinarap ang sunod-sunod na pagsubok sa buhay nang magkasama?

Wish Ko Lang: SENIOR CITIZEN, HALOS MABALIW MATAPOS MABIKTIMA NG ONLINE LOVE SCAM January 2, 2021

AIRED: January 2, 2021

Plot : Matapos pumanaw ang asawa ni Lola Agnes, inilaan na niya ang kanyang oras sa anak niyang si Agnes pero dahil sa kinakasama nitong lalaki, nasira ang relasyon nilang mag-ina. Nang sa pangyayaring ito, humanap ng ibang pagkakalibangan si Lola Agnes sa pamamagitan ng paghahanap ng ka-chat online. Dito na magsisimula ang bangungot sa kanyang buhay.