Wish Ko Lang: Inabusong buntis, nakahanap ng pagkalinga sa BFF na beki

Plot : Unang nagkakilala sina Alex (Epi Quizon) at Jenny (Lovely Abella) sa karinderya kung saan naging serbidora ng una ang huli, hanggang sa magkapalagayan sila ng loob. Kahit na buntis, binubugbog pa rin si Jenny ng kanyang asawang babaero at may malungkot na buhay kaya siya ang nagtataguyod sa anim niyang mga anak. Malampasan pa kaya ni Jenny ang sunod-sunod na unos sa kanyang buhay?

Wish Ko Lang: Babae, pinaslang ng sariling kapatid na lulong sa masamang bisyo

Plot : Dahil hindi sila magkasundo ng kanyang kuya, nagpasya si Rowena (Meg Imperial) na bumukod na lamang ng tahanan kasama ang kanyang nobyo. Sa pag-aakalang nais na palang makipag-ayos ni Noli (Rodjun Cruz) sa kanya, hinabol sila nito ng itak! Makaligtas kaya si Rowena mula sa mga kamay ng kapatid niyang lulong pala sa ipinagbabawal na gamot?

Wish Ko Lang: Babaeng tumagay, pinilahan at pinagpiyestahan ng mga lalaki

Plot : Sa dinami-rami ng pinagdaanang pagsubok ng dalagang si Lucie (Katrina Halili), hindi niya sukat akalain na mararanasan niya pa ang pinakamabigat na pasakit—ang pagpilahan at pagpiyestahan ng mga lalaki matapos lamang siyang sumama sa kanyang kaibigan para maglibang. Paano pa kaya niya malalampasan ang kanyang naranasang kalbaryo?

Wish Ko Lang: HULI KAYO! Kalaguyo ni mister, pinsan pala ni misis

Plot : Katulad ng ilang kababaihan, nagtitiis si Rosa (Manilyn Reynes) sa mga bakal na kamay ng kanyang mister na si Rodolfo (Simon Ibarra) mabuo lamang at hindi tuluyang masira ang kanyang pamilya. Ngunit nang matuklasan niya na ang sarili niyang pinsan na si Sam (Jade Lopez) ang kalaguyo pala ng kanyang asawa, paano pa kaya niya sisikmurain ang pangangaliwa nito sa sarili nilang pamamahay?

Wish Ko Lang: Selosong mister, pinaghihinalaan ang misis at ang bilas nito

Plot : Mula nang umuwi si Ival (Dominic Roco) at Mildred (Nadine Samonte) sa probinsiya, hindi na naging maganda ang pakikitungo sa una ng bilas nitong si Kiko (Kiel Rodriguez). Nang dahil sa malapit nitong pakikitungo kay Elsie (Elle Ramirez), hindi maiwasan ni Kiko na makaramdam ng matinding selos at paghihinala sa asawa. Paano kaya maitutuwid ni Elsie ang isipan ng seloso niyang mister?

Wish Ko Lang: Misis, ginawang pambayad sa pusta ng kanyang mister

Plot : Dahil nalulong na sa pagsusugal si Tisoy (Jak Roberto), naisangla niya na ang halos lahat ng kanilang mga ari-arian sa bahay para lang makataya. Higit pa rito, maging ang sarili niyang misis na si Lena (Winwyn Marquez) ay ginawa na rin niyang pusta sa sugalan! May makapigil pa kaya sa masamang bisyong ni Tisoy na naging ugat pa ng sunod-sunod na krimen?

Wish Ko Lang: Babae, mag-isang inaalagaan ang mga pinsang may sakit sa pag-iisip

Plot : Lumaki nang ulila ang dalagang si Jenny (Kyline Alcantara) at ang tiyahin niya na lamang ang kumupkop sa kanya kasama ang tatlo niyang pinsan na kapwa mayroong sakit sa pag-iisip. Nagiging tampulan man ng tukso sina Abraham, Alejandro at Kevin, handa si Jenny na ibuwis ang kanyang buhay para sa mga ito dahil batid niya na pantay lamang dapat ang tingin sa mga taong katulad nila.