Wish Ko Lang: Magkapatid, pinaglimos na sa kalye, ginawa pang mga drug runner

Plot : Matapos mapaslang ang kanilang ama dulot ng pagkalulong nito sa masamang bisyo, halos abandonado na ang magkapatid na sina Princess (Pauline Mendoza) at Charm (Devon Seron) nang palayasin sila ng sarili nilang ina. Dahil dito, kinupkop na sila ng kanilang tiyahin na sa una lang pala mayroong malasakit—kalaunan ay pinaglimos na sila sa kalye at ginawa pang mga drug runner! Mahanap pa kaya ng magkapatid ang wastong kalinga na nararapat para sa kanila?

Wish Ko Lang: Lasinggerong lalaki, pinaslang ang mga natutulog na pamangkin

Plot : Hindi lubos akalain ni Emily (Arny Ross) na magagawang paslangin ng kanyang tiyuhin ang sarili nitong mga pamangkin. Bukod pa rito, kahit ang asawa niyang si Ben (Kristoffer King) ay lulong sa masasamang bisyo kaya’t hindi ito maaasahan. Inilayo man kay Emily ang kanyang mga anak, gagawin niya ang lahat makapiling lamang sila muli.

Wish Ko Lang: Beki na ipinagtabuyan noon, nagsikap at umarangkada sa pag-aaral

Plot : Bata pa lamang si Budang ay nakararanas na siya ng matinding pasakit mula sa kanyang lasenggerong tiyuhin. Kahit ang kanyang sariling ina ay nagawa siya iligaw na parang pusa dahil na rin sa kahirapan. Sa kabila ng mga masalimuot na karanasan na ito, taas-noo na tumayo si Budang at nagsikap upang maabot ang kanyang pangarap sa tulong ng kanyang Ma’am Nanay sa paaralan.

Wish Ko Lang: Lasinggerong Asawa, Pinagtataga Ang Sariling Misis

Plot : Katulad ng karamihang ilaw ng tahanan, handang unahin ang kapakanan ng kanyang pamilya ang nanay na si Lenie (Valerie Concepcion). Sa kabila nito, masusubukan ang kanyang paghihirap at pagtitiyaga habang pinakikisamahan ang mister niyang si Landy (Paolo Paraiso) na pabaya at parati na lamang naglalasing. Malampasan kaya ni Lenie ang karahasang dinaranas ng kanyang pamilya laban sa kanyang asawa?

Wish Ko Lang: Mestisang Kasambahay, naging Cyber Prosti

Plot : Kahit pursigidong makapagtagpos ng pag-aaral, hindi sukat akalain ni Mylene (Valeen Montenegro) na sariling magulang niya pa ang magpapatigil sa kanya at nagdesisyong mamasukan siya bilang kasambahay. Kasama ang kaibigang si Leilanie (Arny Ross), laking gulat nila na ibang trabaho pala ang kanilang napasukan—cyber prosti! Kayanin kaya ng sikmura nila ang trabahong ito para kumita?

Wish Ko Lang: Misis, hinamon ang pag-aamok ng asawang lasinggero

Plot : Madalas nalalagay sa peligro ang buhay ang pamilya ni Joan (Lauren Young) nang dahil sa bisyo ng mister niyang si Berto (Geoff Eigenmann) sa tuwing umuuwi ito ng lasing. Silang mag-iina, madalas na napagbuhuhatan ng kamay dulot ng bisyo ni Berto. Hanggang kailan kaya ito magagawang pakisamahan ni Joan kung sariling buhay na nila ang nakataya rito?