Wish Ko Lang: Pamilya, halos masira ang buhay dahil sa bintang August 20, 2022

AIRED: August 20, 2022

Plot : Kahit mahirap ang buhay, hindi tinuruan ni Lorna (Tessie Tomas) ng masamang gawain ang kanyang mga anak-anakan na sina Pogi (Paolo Pangilinan), Mima (Sassa Gurl) at Jaya (Bench Hipolito). Kaya naman laking gulat na lang ng kanilang pamilya nang biglang sabihin ng mag-inang sina Ester (Aleck Bovick) at Jona (Yvette Sanchez) na ninakaw ni Pogi ang cellphone na pag-aari nila. Ano kaya ang magiging epekto ng bintang sa pamilya ni Lorna?

Wish Ko Lang: Babae, inabuso ang kabaitan ng mga bisitang walang pakikisama August 13, 2022

AIRED: August 13, 2022

Plot : Dahil sa malaking utang na loob, buong-pusong pinatuloy ni Manda (Claudine Barretto) ang kanyang tiyahin at pinsan sa kanyang tahanan. Sa ilang buwang pagtuloy ng mga ito, mas bumigat ang pasanin niya dahil ang mga ito, hindi marunong makisama. Ang mas malala, inagaw ng kanyang pinsan ang mister niya.

Wish Ko Lang: Anak, ilang beses sinaktan at ninakawan ng sugalerong ama August 6, 2022

AIRED: August 6, 2022

Plot : Kahit anong pagsisikap ni Marife (Bianca Umali), hindi niya matustusan ang araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya lalo pa’t may sakit ang kanilang inang si Rosemarie (Andrea del Rosario). Pero ang pinakamabigat na pagsubok sa kanya, ang sugarol nilang padre de pamilya na si Edgar (Ian de Leon). Hanggang kailan pa kaya niya matitiis ang pangungupit at pananakit nito dahil sa pagkalulong sa sugal?