Wish Ko Lang: Lalaki, ibinahay ang kanyang pitong girlfriends May 6, 2023

AIRED: May 6, 2023

Plot : Ang buong akala ni Jessica (Shaira Diaz) ay nag-iisa lang siya sa puso ng kanyang nobyo na si Jay-ar (Akihiro Blanco). Kaya sobrang sakit sa kanya na malamang may anim pa itong kasintahan. Dahil wala nang matitirhan, napilitan si Jessica na tumuloy muna sa bahay ni Jay-ar kahit masama ang loob niya rito. Sa bahay, kasama ni Jessica ang iba pang girlfriends ni Jay-ar.

Wish Ko Lang: Babae, inapi ng mga kapatid ng mayaman niyang kasintahan / Dalaga, inalipusta ng mapangmata niyang tiyahin PART 2 May 20, 2023

AIRED: May 20, 2023

Plot : Nang mamatay si Ernesto (Allan Paule), pinaalis ng kanyang mga kapatid ang nobya niyang si Lea (Sunshine Cruz) kahit ito’y buntis pa. Makalipas ang maraming taon, nagtagpo ang anak ni Lea na si Celine at ang mga kapatid ni Ernesto na sina Bethany at Renato. Nang makilala nila ang pagkatao ni Celine, inalipusta rin nila ito.

Wish Ko Lang: Babae, inapi ng mga kapatid ng mayaman niyang kasintahan / Dalaga, inalipusta ng mapangmata niyang tiyahin PART 1 May 13, 2023

AIRED: May 13, 2023

Plot : Dahil mahirap lang si Lea (Sunshine Dizon), hindi siya tanggap nina Bethany (Samantha Lopez) at Renato (Michael Flores) na maging kasintahan ng kanilang kapatid na si Ernesto (Allan Paule). Iniisip nilang pera lang ang habol ni Lea sa kanilang kapatid. Dahil dito, gumawa sila ng paraan para tuluyang mapaalis si Lea sa buhay ni Ernesto.

Wish Ko Lang: Dating kabit ni Mister, gustong makuha si Misis / Kabit, bet na si Mister, bet pa si Misis PART 1 July 1, 2023

AIRED: July 1, 2023

Plot : Hindi akalain ni Lily (Rochelle Pangilinan) na pagkatapos ng relasyon ng kanyang mister na si Kevin (Paolo Paraiso) at ng kabit nitong si Marla (Maui Taylor), mas magiging komplikado ang kanilang sitwasyon. Nalaman kasi ni Lily na may gusto pala sa kanya si Marla.